Ano nga ba ang lihim ng pamilya? At ano ang magiging papel ni Dexter sa buhay nila? EPILOGUE Hindi makapaniwala si Stella sa mga nangyari. Nananalangin syang bangungot lang ang lahat at sa isang iglap ay magigising sya sa masamang panaginip na ito.
Hindi na ito gumagalaw. Kung wala na ba itong buhay ay hindi nya alam. Natatakot syang lapitan ang binatang napalapit na nang husto sa kanya. Natatakot syang makumpirma na patay na nga ito. Walang suot na pang-itaas ang binata.
Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan, gusto nyang tumayo subalit hindi nya maigalaw maging ang mga daliri nya. Totoo pala na kapag nasa bingit ka ng kamatayan, ay biglang manunumbalik ang mga alaala mo noong buhay ka pa.
Hindi naman unang beses makakapunta si Stella sa islang ito pero ibang klaseng saya ang hatid sa kanya ng amoy ng malinis na dagat, at maging ng kabaitan ng mga tao sa probinsya. Kahit ilang beses yata syang magpabalik-balik sa Boracay ay hindi sya magsasawa.
Hinimas ni Stella ang kanyang maputi at makinis na binti. Alam nyang isang masarap na masahe ang magpapaalis ng pagod nya. Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang telepono ng ginang. “Hello honey. Yeah. I just arrived. Bukas pa ang meeting namin ni Mr Ignacio.“
Isang linggong mamamalagi si Stella sa Boracay. Tatlong kliyente ang kikitain nya for their business proposal. Si Stella at ang asawa nitong si Javier ang namamahala ng isa sa mga kilalang supermarket sa kamaynilaan at kalapit na probinsya.
Hinihila na ng antok si Stella, pero hindi sya makatulog dahil sa sobrang alinsangan. Pakiramdam nya ay hindi lumalamig ang kwarto. Nilapitan nya ang aircondition unit at napansin tila hangin lang ang inilalabas nito. Nagsisimula nang uminit ang ulo ng ginang.
Dali-dali nyang dinampot ang telepono at tumawag sa frontdesk. “Hello, Miss. What kind of suite is this? Half an hour na ako dito sa kwarto, pero hindi pa din lumalamig.” Pinipilit maging mahinahon ni Stella. Hawak nya ang panyo sa isang kamay at ginusot-gusot iyon.
“Sorry ma’am. Magpapadala pa ako ng tao from facilities. He will be there in a bit.” Nahihiyang sagot ng staff. Bumuntong-hininga si Stella at ibinaba na nito ang telepono. Nagsisimula nang umunit ang kwarto. Basa na ng pawis ang likod ng ginang.
